nakikisangkot ako sa proyektong nagsimula
RITO, at sinusundan ko ang bakas na iniwan naman
DITO at
DITO.
***
1. isa sa mga espesyal kong katangian ay ang kakayahang malaman ang mga impormasyong hindi ko gustong malaman. natatandaan ko, sa isang partikular na klase, nagpasulat ako ng sanaysay tungkol sa pamilya. sa kung anong dahilan, naisip ng estudyanteng ikuwento ang eksena ng pagkahuli niya sa porno collection ng kanyang ama, isang araw noong namasyal ito kasama ng kanyang ina. ikinuwento niya kung paano niya ipinasok ang mga lumang vhs tape sa puwerta ng player, ikinuwento niya kung paano siya nagulat at natuwa nang sabay sa mga imahen at tunog na kanyang naranasan, ikinuwento niya kung paano niya nabuo sa imahinasyon ang eksena ng pagtatalik ng kanyang "mommy" at "daddy," at ikinuwento niya ang pagsalaksak niya ng daliri niya sa sarili niyang puwerta. matatapos ang sanaysay sa pagdating ng kanyang mga magulang sa rurok ng kanyang finger-licking moment.
lilipas ang mga taon, magpapatuloy ang siklo ng mga pagbabahaging hindi ko intensyong bulatlatin. madalas, sanay na, mas madali ko na siyang naitatago sa mga pinakamalayong rehiyon ng aking utak. minsan, nagugulat pa rin ako sa mga bagay na ikinagugulat ko. isa itong hindi natatapos na leksyon sa pagtanggap at pagtitimpi.
2. sa isang kaugnay na pagdadaliri, naikuwento ng kaibigan (pagkat sa kaibigan lang naman palagi at hindi sa atin nangyayari ang ganitong mga bagay), na minsan ay nadaliri niya sa puwet ang kanyang kapareha habang nagtatalik. hindi niya alam kung paano nagsimula, o kung paano natapos, basta habang nakalukob sa kanya ang malalaki-laking kaha ng lalaking kapareha, habang nakabaon sa kanyang hiwa ang naninigas na sandata (pagkat hindi maaaring hindi naninigas ang "sandata"), bigla na lang sumiksik ang kanyang kaliwang kamay sa biyak ng puwitan ng kaparehang umaayuda, at naglaro sa butas nito ang hintuturo, palasingsingan, hinlalato, hintuturo-hinlalato, hintuturo-hinlalato-palasingsingan. ito ang unang beses niyang nilabasan kasabay ng kapareha.
habang natutulog sa tabi niya ang lalaki, inilapit niya sa kanyang ilong ang mga daliring naglabas-masok at inamoy-amoy ang mga bakas ng tumbong ng kapareha. tinanong ko kung bakit niya naisip gawin yun, sabi niya "iniisip ko lang kung mararamdaman ko rin ang nararamdaman ng mga lalaki kapag inaamoy nila ang daliri nila pagkatapos mandalirot."
3. masyado na yata akong nagiging malibog. wala na akong inatupag kundi magkuwento tungkol sa mga laplapan, yarian, pagsasalsal. at kapag may bakanteng oras--at sinisiguro kong palaging may bakanteng oras--imbes na magsulat, magtrabaho o mag-aral, hayan ako't nagsasalsal. salsal sa umaga, salsal sa hapon, salsal sa gabi. salsal sa bus, sa taxi, sa opisina, sa banyo ng opisina, sa waiting shed, sa mall, sa sine, sa simbahan, sa mga pulong pangkagawaran, sa mga klase, hala, salsal lang nang salsal. iniisip ko ang lahat ng posibilidad, lahat ng kapareha, lahat ng posisyon at senaryong maaaring maisagawa ng hiraya. pero may isa, palaging may isang hindi ko maisama sa aking mga salsal-pantasya. hindi dahil sa ayoko sa kanya, sa totoo lang ay gustong-gusto ko siyang talaga. sa sobrang gusto'y ayokong malaman niya o ng iba na pinapagpantasyahan ko siya. palagi kong iniisip, baka nakakabasa ng isip ang mga mata niya, at sa oras na magtama ang mga paningin namin ay malaman niya, malaman niyang ginagawan ko siya ng kung anong kahalayan. ayoko, mahirap na, kaya imbes na mahuli pa niya'y iniiwasan ko na siya, kahit pa sa laro ng isip, kahit sa mga hindi madalang na pakikipagniig sa palad ni maria.
4. sa klase (kung saan nagsasalsal ako minsan/madalas--depende sa lamig o init ng aircon o sa kalidad ng mga estudyante), minsan ay natanong ko, bakit ba tuwang-tuwa ang mga tao sa mga kuwento tungkol sa pagsasalsal? o sa mga kahanay nitong kuwentong tae, baktol, kulangot, plema, libag, regla? bakit, kung talagang mabentang-mabenta ang mga kuwento tungkol sa basura ng katawan, bakit hindi na lang tayo magbasa nang magbasa ng mga kuwentong tungkol dito, bakit hindi na lang tayo dumaldal nang dumaldal tungkol sa mga semilya't plema? nahuli ko ang mata ng isang estudyante. nandilat siya, isang tipo ng pandidilat na nagsasabing: a. "naku, alam niya!"; b. "naku, alam niyang alam ko!"; c. "naku, alam niyang alam kong alam niya!"
5. may isa sa apat na aktuwal na naganap. minsan, pag nakasalubong mo ako sa kung saan, isigaw mo ang bilang mula isa hanggang apat. pag hindi ako sumagot at hindi makatingin nang diretso, isipin mo na lang na isinasapraktika ko ang halaga ng pagtitimpi.
***
pag nakahanap na ako ng mapapasahan, pwede mo nang i-click
ITO.