Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntryMar 28, '11 11:15 PM
for everyone

 Maraming maitatala sa kasaysayan ng aking kahangalan.


Ang ilan ay ilalaan sa paglaban sa kamalayan,

tulad ng  gamu-gamong pumailanlang, naabisuhan man,

na patuloy na lilipad palapit sa kandilang lumiliyab.


May ilang aasinta sa pagpatda ng bagabag,

iyong munting bulong, babala man sa kutob, na tinalikuran.


Ang iba'y hiwalay na tatalakay sa ligaya at yabang,

sa mga oras na kabilang ako sa kanilang mga tagasunod,

walang kaalam-alam, kung lumakad ay hambog.


Ngunit lahat sila'y may natatanging paksa, pagnanasa,

pansarili man lang - pero hindi, hindi na rin;  ay,

Ako'y umiral pagkat ninais maging kapares ng iba.

Nasindak ako sa kung anong bangis at libog ang nasa loob.


Ang kasaysayan ng aking kahangalan ay hindi na maisusulat.

Una sa lahat, gabi na.  At ang katotohanan ay gawaing masalimuot.




*salin ng "Account" ni Czeslaw Milosz

 


iltabenla wrote on Mar 29, '11
Mahusay na salin ng tula. Ginamit ko minsan sa klase ang DALIT mong tungkol sa "punong manggang tinagpas na namunga at naging mansanas".
makoydakuykoy wrote on Apr 3, '11
ay me ganun ka palang dalit vlad.. sa emotero ko nmn me narrative ako tungkol sa pako na namunga ng martilyo..

at puro tungkol sa mansanas ang nbabasa ko.. hmm
makoydakuykoy wrote on Apr 3, '11
"The appleness of apples. Yet just apples." -Morley Callaghan
Add a Comment